Heart

Plato na may monggo ni Heart nagkakahalaga ng P15K

Vinia Vivar Sep 18, 2024
9 Views

May bago na namang pinagpipiyestahan ang netizens sa post ni Heart Evangelita.

Pinagdidiskitahan naman nila ngayon ang platong ginamit ng aktres/global fashion icon.

Ipinost ni Heart ang plato na may lamang monggo.

Aniya sa caption, “Friday monggo.”

Pero matinik talaga ang mga mata ng netizens dahil ang mas napansin nila ay ang plato kesa sa monggo.

Paano ba naman, isa itong Hermès Passifolia soup plate na nagkakahalaga umano ng $270 o P15,089.

Needless to say, samu’t sari ang komento ng netizens at sey nga ng isa, ‘pinagsasasampal na naman sila ng kahirapan ni Heart.’

“At least, kumakain sya ng monggo! Ang pinoy ulam, model na ng Hermes, galing,” sey naman ng isa pa.

“Hahahaha sarap nung pinggan hahaha,” komento naman ng isa pang social media user.