Droga Swak sa rehas na bakal ang mga mga suspek matapos maaresto sa isinagawang buybust operation ng MPD sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

3 lalaki arestado sa droga sa MPD ops sa Maynila

Jon-jon Reyes Sep 18, 2024
17 Views

NABITAG ang isang 57-anyos na lalaki ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sta Cruz Police Station 3 sa inilatag na buy bust operation sa Cavite Street malapit sa Karapatan St.,Barangay 371 Sta.Cruz, Manila, Lunes ng madaling araw

Nakilala ang suspek na si alyas Efren, binata, ng Leonor Rivera Street,Sta Cruz,Manila.

Ayon sa ulat ng SDEU-MPD, bandang 3:20 ng madaling araw nang ikasa ng mga awtoridad ang bentahan ng shabu.

Narekober ang tatlong bulto ng hinihinalang shabu na may15 gramo katumbas sa halagang P102,000.

Samantala arestado ang dalawang lalaki na sina alyas Botchok at Jimmy sa isinagawang buy-bust operation ng mga elemento ng SDET sa pangunguna ni PMaj. Salvador Inigo, chief ng SDET-MPD Barbosa Police Station14.

Ayon sa report, bandang 5:10 ng madaling araw ng Miyerkules nang maaresto ang mga suspek. Nakumpiska sa kanila ang humigit-kumulang na 52 gramo ng shabu at cash na nagkakahalaga ng P353,600.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 (selling/distribution at illegal possession ng illegal drugs).