Khonghun

VP Sara binatikos sa pagtangging manumpa na magsasabi ng totoo

69 Views
Bitrics
Batangas Rep. Gerville Luistro
Manuel
Kabataan Rep. Raoul Manuel

BINATIKOS ng tatlong mambabatas ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa pagtanggi nito na manumpa na magsasabi ng totoo sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara de Representantes na naglalayong suriin ang diumano’y maling paggamit ng pondo ng kanyang tanggapan.

Sa unang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, tinuligsa nina Zambales Rep. Jay Khonghun, Batangas Rep. Gerville Luistro, at Kabataan Rep. Raoul Manuel si VP Duterte sa pagtanggi nitong tumestigo under oath.

Binibigyang-diin ni Khonghun na ang panunumpa ay hindi lamang legal requirement kundi pangunahing hakbang ng pagiging tapat at accountable ng isang pampublikong opisyal.

“Taking the oath is not just a legal formality, it is a commitment to honesty. Any refusal to do so undermines trust in public statements,” ayon kay Khonghun.

“Refusing to testify under oath sends a signal that there is something to avoid,” dagdag p nito.

Sinegundahan naman ni Luistro ang pahayag ni Khonghun na aniya’y maaring magkaroon ng implikasyon ang pagtanggi ng Bise Presidente.

“I wish to manifest that the refusal of Her Excellency Vice President Sara Duterte to take her oath in today’s hearing in the conduct of inquiry in aid of legislation is an affirmation of her stand, her position during the budget briefing of the OVP,” ayon kay Luistro.

Paliwanag niya na ang hindi panunumpa ay nagpapahina sa tiwala o kredibilidad ng anumang sinasabi ng isang tao.

“When the resource speaker does not take her oath, then it follows that whatever statement she will provide, we call it, it could not hold any water,” saad pa ni Luistro.

Dismayado rin si Manuel sa pagtanggi ni VP Duterte na manumpa, na isang hayagang pagsalungat sa mga itinatag na pamantayan ng pananagutan.

“Gusto ko munang i-manifest na sobrang disappointed po tayo … We took the time for this committee at inimbitahan ang Office of the Vice President pero yun nga po nalaman natin na hindi nag-take ng oath. At bago tayo mga pagtanong para din marinig ng nakaupong bise presidente, umalis na rin po,” ayon kay Manuel.

Dagdag pa nito na maging ang mga dating pangulo ay tumatanggap ng oath kapag inaanyayahan sa mga pagdinig ng Kongreso.

“Even yung mga former presidents nga po, Mr. Chair, like former President Ramos, or President Estrada, former President Noynoy Aquino ay dumalo nung inimbitahan din sila ng mga legislative inquiry at nag take po sila ng oath,” saad ni Manuel.

“So I think, again, we can let the Filipino people judge kung ano ba talaga ang performance ng niluklok nating mga opisyal sa pamahalaan.”

Kinuwestyon din ni Khonghun ang pagtanggi ng Bise Presidente sa panunumpa, kung wala naman siyang itinatago.

“If there is nothing to conceal, why not take the oath? It is the basic act of accountability that all public officials must be willing to undertake,” giit pa nito.

Pinaalalahanan ni Luistro ang mga kapwa mambabatas at sa mga Pilipino na ang mga pampublikong opisyal ay dapat maging tapat at mapagkakatiwalaan.

“Public office is a public trust. When there is a question, we’re bound to answer. We’re bound to explain. No less than the Philippine Constitution provides, we are accountable to the Filipino people at all times,” saad pa nito.

Sa pagdinig, kapwa binigyang-diin ng mga mambabatas na may tungkulin ang Kongreso na suriin ang paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang mga confidential and socioeconomic funds ng OVP.

Binigyang-diin pa ni Luistro ang kahalagahan ng pagpapaliwanag sa paggamit ng kaban ng bayan.

“The confidential fund po ay pera ng bayan. We owe it to the people to explain kung paano ito ginastos, saan ito napunta,” dadag pa nito.

Ipinaliwanag din ni Khonghun na ang imbestigasyon ay hindi layuning atakihin ang sinuman ng personal, kundi tiyakin ang panangutan.

“The purpose of this inquiry is not to attack anyone, but to shed light on matters that affect our nation’s governance,” paglilinaw pa ng mambabatas.

Binigyan-diin ni Luistro na tungkulin ng Kongreso na tiyakin ang epektibong paggamitin ng pondo ng bayan.

“To be able to make sure that the power of the purse is properly exercised, we are granted as well by the oversight power,” paliwanag pa ni Luistro.