Proteksyon sa OFWs pinagtibay ng DMW, CHR MOA
Jun 7, 2025
Mga senyales ng breakup kita na sa socmed
Jun 7, 2025
Calendar

Metro
Sorbetero timbog sa gahasa ng dalagita
Melnie Ragasa Jimena
Sep 19, 2024
150
Views
NAHAHARAP sa kasong statutory rape ang 45-anyos na sorbetero matapos umanong pagsamantalahan ang dalagitang kapitbahay sa Brgy. Magsaysay, Quezon City.
Ayon kay P/ Lt. Col. Macario Loteyro, station commander ng Project 6 Police Station 15 ng Quezon City Police District (QCPD), natutulog ang 13-anyos na biktima sa kwarto nang pasukin ng suspek na armado ng kutsilyo.
Tinakpan umano ng suspek ang bibig at ilong nito ng biktima ng panyo at tila may pinaamoy para manghina ang dalagita.
Tinutukan ng suspek ng kutsilyo ang dalagita saka pinagsamantalahan.
Dahil sa takot, hindi nakapag sumbong ang biktima sa kanyang nanay pero kalaunan umamin din ito na pinagsamantalahan siya ng suspek na katrabaho ng kanyang amain.
Kelot lagot sa pagnenok ng cellphone
Jun 7, 2025
Tindera naburyong, nanapak ng tanod, kulong
Jun 7, 2025
Vietnamese kinidnap, ginahasa ng grupo, vinideo
Jun 6, 2025
10 lalaki kalaboso sa pagnenok ng cable wire
Jun 6, 2025