Ricardo Marina Benipayo at Ricardo Cepeda habang sumasayaw

Ricardo Cepeda matapos makulong ng 11 buwan sa Cagayan Provincial Jail

Eugene Asis Sep 20, 2024
10 Views
Ricardo1
Marina Bernipayo at Ricardo Cepeda sa ‘Batang Quiapo’
Nadia
Nadia Montenegro

SA wakas, nakalaya na ang mahusay na actor na si Ricardo Cepeda (Ricardo Go sa tunay na buhay) matapos ang 11 buwang pagkakakulong sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao City.

Ang resolusyon ng pagpapalaya sa kanya ay pinirmahan ni Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid.

“Having posted cash bond duly approved by this Court, the Warden of the Cagayan Provincial Jail, Tuguegarao City, is ordered to RELEASE the accused on provisional liberty unless held for some other lawful case,” saad ng resolusyon.

Sinampahan ng kasong syndicated estafa si Ricardo matapos masangkot ang kanyang pangalan sa isang uri ng investment scheme.

Ang paglaya ng aktor mula sa kulungan ay kinumpirma mismo ng kanyang partner, ang aktres at dating model na si Marina Benipayo.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, ibinahagi ni Marina ang video nila habang nagsasayaw sa saliw ng kanta ni Elvis Presley na “Don’t Be Cruel.”

“He’s finally going home! Thank you for your prayers,” ang mababasang text na nakasulat sa naturang video.

NDRRMC: 1 more death due to bad weather reported, raising count to 24NDRRMC: 1 more death due to bad weather reported, raising count to 24

Ganito naman ang caption ni Marina sa kanyang Instagram post, “#11months and finally, he’s going home! God is Good! Thank you, everyone for your prayers (red heart and praying hearts emojis). #ricardocepeda #life #love #family #lifegoeson.”

Sa Facebook, mababasa naman ang mensahe ni Marina na, “Richard is coming home, finally!!!! Thank you, God for your continuing guidance, never mo kami pinabayaan despite the challenge.

“Thankful for the strength you have given us throughout. Thank you everyone also for your prayers,” sabi ng aktres gamit ang mga hashtag na #GodIsGood, #LifeGoesOn, #thankyouGod, #11monthsofwaiting, #ricardocepeda, #love, #family at #life.”

Inaresto ang aktor ng mga pulis noong October 7, 2023 sa Caloocan City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Gemma Bucayo-Madrid ng Regional Trial Court Branch 12 ng Sanchez Mira, Cagayan.

Mariin namang pinabulaanan ni Ricardo ang lahat ng akusasyon sa kanya at sinabing wala siyang kinalaman dito. Ang tanging papel lamang niya sa naturang kumpanya ay bilang isang endorser.

Natuwa naman ang mga kaibigan ni Ricardo sa industriya. Isa rito ay ang dating aktres na si Nadia Montenegro.

Nag-post ito sa kanyang Instagram account ng mga larawan at video ni Ricardo na kuha mula sa kulungan hanggang sa paglaya nito.“RELEASE FORM SIGNED!” FINALLY! An innocent man is FREE!! Praise you Lord!” post ni Nadia.

Pagpapatuloy niya, “My Brother, Ric for almost 1 year you patiently fought your battles in court and endured jail time hundreds of miles away from Home.”

Hinangaan din ni Nadia ang matatag na pagkapit ni Ricardo sa Diyos habang hinaharap ang mabigat na pagsubok.

“Can’t wait for your homecoming, Ric!! This is a celebration of your life! A new chapter ahead! WE LOVE YOU RIC! You are FREE!! To God be all the glory,” pasasalamat ni Nadia.

Samantala, wala pang balita kung babalik si Ricardo kaagad sa telebisyon.