Sara Tinitikman nina Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte, senatorial bet Win Gatchalian at Pasig Rep. Roman Romulo ang Charing’s original Halo-Halo Special sa Pasig City Mega Market. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara nagpasalamat na mainit na pagtanggap ng Pasig City

292 Views

NAGPASALAMAT si vice presidential candidate Sara Duterte kay Pasig City Mayor Vico Sotto at Rep. Roman Romulo sa mainit na pagtanggap sa kanya at kanyang campaign team.

Pumunta si Duterte sa Pasig City Mega Market para sa isang meet-and-greet kasama ang mga Parents-Teachers Associations (PTA), Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), at mga vendor.

“Nagpapasalamat po kami sa office at kay Congressman Roman Romulo, thank you po. Sa ating City Administrator Atty. Jeron (Jeronimo) Manzanero, sa atin pong City Mayor Vico Sotto, sa ating Pasig Market Administrator Joey Molina, sa atin pong market President Tita Carla, sa TODA ng Pasig, PTA, at kay former Councilor Shalani Soledad,” sabi ni Duterte.

Nagpasalamat din si Duterte sa iba pang tumulong upang makasama nito ang mga tao na pumunta sa kanyang meet-and-greet activity sa palengke.

Matapos makipag-selfie sa mga pumunta ay kumain pa ng halo-halo si Duterte sa Charing’s Halo-halo special.

Habang kumakain ay isang batang lumuluha ang lumapit kay Duterte. Inalok niya ang bata ng halo-halo pero sinabi nito na ang gusto niya ay makapagpa-selfie sa vice presidential candidate na malugod nitong pina-unlakan.