DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.

Kampanya ng gobyerno vs climate change puspusan na

Cory Martinez Sep 20, 2024
54 Views

MAGIGING puspusan na ang kampanya ng pamahalaan laban sa climate change matapos na lagdaan ang isang tripartite Operational Partners Agreement para sa implementasyon ng proyektong Adapting Philippine Agriculture to Climate Change (APA) na nagkakahalaga ng 39.2-milyong dolyar.

Nilagdaan ang naturang kasunduan nina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) Administrator Dr. Nathaniel T. Servando at Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) Representative in the Philippines Dr. Lionel Dabbadie

Ayon kay Tiu Laurel, makikinabang ang may 1.25 milyon na magsasaka sa naturang proyekto dahil layunin nitong patatagin pa ang mga komunidad sa kanayunan na umaasa sa agrikultura. Kabilang sa makikinabang sa proyekto ang limang rehiyon sa bansa, siyam na probinsya at may 100 na munisipalidad.

Inilarawan ni Tiu Laurel bilang isang pagpapalawig at pagpapa-igting ng kanilang pagsisikap na mapabuti ang kanilang serbisyo para sa mga higit na nangangailangan.

“Our combined efforts in implementing the APA Project will strengthen the foundation of progressive and resilient communities that we have begun through our various climate-resiliency-building initiatives under AMIA and other DA programs,” ani Tiu Laurel.

Bilang isa sa mga most climate-risk sa buong mundo ang Pilipinas, patuloy itong nahaharap sa madalas na hagupit ng matinding kalamidad katulad ng bagyo, tagtuyot, at baha na nagiging banta sa kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka at sa food security ng milyon-milyong Pilipino.

Ani Tiu Laurel, ang pangunahing outcome ng naturang proyekto ay ang pag-adopt ng mga pagsasanay ng mga magsasaka sa climate-resilient farming upang magkaroon sila ng kakayahang magtatag ng sustainable enterprise.

Layunin din ng proyekto na palakasin ang mga regulatory framework, pagandahin ang market system at ayusin ang ang knowledge management upang mapataas ang lebel ng climate-resilient agriculture sa bansa.

Samantala, binigyang-diin naman ni Dabbadie ang malawak na epekto ng APA project lalong-lalo na sa mga magsasaka at sa bansa dahil sa dulot nitong pangmatagalang benepisyo.

“It’s about directly benefiting 250,000 farmers, translating to a total benefit of 1.25-M individuals (with 5 members per household), and indirectly helping millions more not only to adapt but also to lead with innovation and resilience. It’s about creating opportunities for growth in the fields and through agricultural enterprises, ensuring that future generations continue to benefit from the rich agricultural heritage of the Philippines—a nation sustained by farming for centuries,” paliwanag ni Dabbadie.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Green Climate Fund (GCF) grant sa halagang 26.3-milyon dolyar samantalang galing naman sa pamahalaan ng Pilipinas ang halagang 12.9-milyong dolyar. Ang Department of Finance ang siyang National Designated Authority ng GCF.