Suspek

Dalagita inayang mananghalian, muntik gawing tanghalian ng kelot

Jon-jon Reyes Sep 20, 2024
6 Views

LAGLAG sa kamay ng mga pulis noong Huwebes ang suspek sa panghahalay sa 17-anyos na dalagita sa San Andres St., Malate, Manila.

Base sa salaysay ng biktima na si alyas Mila kina Patrolman Bryan Gomez at Patrolman Hope Capuz, nakatambay siya sa tapat ng Manila Korea Town ng biglang lumapit ang suspek na si alyas Omeng at inalok siya kung gusto niyang mananghalian.

Sumama ang biktima sa loob ng bahay ng suspek at doon na umano nagawang hubaran ng pantalon ang dalagita, binusalan ang bibig, sinabunutan at sapilitang pinasubo ang ari ng suspek sa kanya.

Nang umalis ang suspek, nakatakas ang biktima at nagtungo sa Remedios police precinct para magsumbong bandang alas-2:00 ng hapon.

Umaksyon ang mga pulis sa pamumuno ni Police Lt. Renen Malonzo, hepe ng Station Intelligence and Detective Management Branch (SIDMB), kaya naaresto ang suspek.

Dahil dito nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Rape) ang suspek.

Desididong magsampa ng reklamo ang biktima na out-of-school youth na taga-Marilao, Bulacan.