Seloso Sinisiyasat ni Police Capt. Dennis Turla ang report kaugnay sa pagkamatay ng lalaki na nanakit ng kanyang ka live in partner matapos mag away dahil sa selos sa Baseco compound, Port Area, Manila.

Jowang kelot nanggulpi, ginantihan todas

Jon-jon Reyes Sep 21, 2024
8 Views

PATAY ang lalaking kinompronta ang kanyang live in partner dahil sa “third party” matapos niyang bugbugin at gumanti noong Biyernes sa Baseco compound, Port Area, Manila.

“Love triangle” ang nakikitang motibo ng mga pulis sa aksidenteng pagkakapatay ng suspek na si alyas Jenny sa biktimang si Andres Acedera,

Namatay habang inoobserbahan sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang biktima ilang oras matapos magreklamong nahihirapang huminga.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi nang komprontahin ng biktima sa loob ng kanilang bahay ang ginang dahil sa umano’y relasyon sa ibang lalaki.

Nauwi sa mainitang pagtatalo at humantong sa sakitan ang away ng mag live in hanggang sa masuntok ng biktima ang ulo ng suspek at binuhusan ng softdrinks sa mukha.

Gumanti ang ginang sa pamamagitan ng pagtulak sa biktima kaya nadapa ang biktima sabay suntok ng suspek sa ulo nito.

Tumakbo ang biktima pauwi sa kanila para kumuha ng kutsilyo ngunit pinayapa ng kanyang ina. Pumunta ang biktima sa kanyang silid at doon na nakaranas ng hirap sa paghinga.

Isinugod sa ospital ang biktima pero dakong alas-12:15 ng madaling araw namatay na.