Rubiano Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano

Empleyado ng Pasay aga uwi sa Lunes

Edd Reyes Sep 21, 2024
8 Views

Upang pakikibahagi ng lungsod sa Nat’l Family Week

MAAGANG pauuwiin ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga empleyado ng Pasay sa Lunes bilang pakikibahagi ng lungsod sa National Family Week.

Inanunsyo ng alkalde ang pinaikling oras ng trabaho sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan batay sa Memorandum Circular No. 64 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Miyerkules na nagsususpinde sa trabaho ng mga tanggapan ng pambansang pamahalaan simula alas-3:00 ng hapon sa Lunes bilang paggunita sa selebrasyon ng Family Week.

Ayon kay Mayor Emi, layunin ng shortened period na mabigyan ng pagkakataon ang mga opisyal at kawani na makauwi ng maaga at magkaroon ng oras sa kanilang pamilya para sa hapunan ng sabay-sabay sa ilalim ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”

Hinimok din ni Mayor Emi ang iba pang lokal na pamahalaan at mga pribadong kompanya na suspendihin ang trabaho ng kanilang mga kawani pagdating ng alas-3:00 ng hapon.

Nilinaw naman ng alkalde na ang mga tanggapang tumutugon sa mga biglaang pangangailangan, paghahanda sa sakuna at kalamidad, at nagkakaloob ng serbisyong medikal at pang-kalusugan patuloy ang trabaho ng lagpas sa alas-3:00 ng hapon.