Binaril Sinisiyasat ng mga pulis ang pinangyarihan ng insidente. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot dedo inambush sa Quiapo, dedo

Jon-jon Reyes Sep 23, 2024
17 Views

PATAY ang isang lalaki nang barilin sa entrance ng Shariff Mansion sa Gunao St., Quiapo, Manila noong Linggo.

Kinilala ni Police Capt. Dennis Turla ang biktima na si Dagaranao Didato ng Alabastro St., San Andres Bukid, Manila.

Naaresto sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Raymond Romano, 40.

Sa ulat ni Police Major Salvador Inigo Jr. ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 nagpapatrulya ang mga tauhan ng Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU) malapit sa lugar ng pinangyarihan bandang alas-10.30 ng gabi ng makarinig ng putok ng baril.

Nagresponde ang mga pulis at doon nila nakitang tumatakbo papalayo ang isang lalaki na armado ng baril.

Nasakote ang suspek at kinilala ng mga saksi na siyang bumaril sa biktima.