Sylvia

Sylvia Sanchez: Lola na ako!

Vinia Vivar Sep 24, 2024
6 Views

GANAP nang mga magulang ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde dahil ipinanganak na ng aktres ang kanilang first baby na pinangalanan muna nilang Baby Marudo (yes, it’s a boy).

Ibinahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram Story ang isang reel kung saan ay makikita ang isang nurse na hinihila ang crib na may lamang sanggol.

Makikita rin sa video na nakalagay ang date na “9.23.24.”

Nirepost din ni Sylvia Sanchez ang nasabing video at masaya niyang inanunsyo na lola na siya

“@onlyzanjoemarudo @ria 09-23-24 lola na ako!!! Yahoooo!!! #thankuLORD,” ang caption ni Ibyang.

Sey pa ng bagong lola sa isa pang caption, “Thank you LORD.

Lola na ako!!! My heart is full. Congratulations @ria @onlyzanjoemarudo.”

Bumuhos naman ang pagbati ng mga celebrities sa post ni Ibyang kabilang na sina Aga Muhlach, KC Concepcion, Sandy Andolong, Rita Avila, Pops Fernandez at marami pang iba.

“Congratulations Lola Ibyang. sabay sila ng birthday ng apo ko kaya mabait na bata yan, mana sa lola,” komento ni Direk Gina Alajar.