Calendar
Posibleng magsimula ang La Nina pagitan ng Sept. – Nov.
POSIBLENG magsimula ang La Niña phenomenon sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Noong Hulyo, itinaas ng Pagasa ang La Niña alert na may 70% na posibilidad na maari itong magsimula sa pagitan ng Agosto hanggang Oktubre.
Ayon sa Pagasa, ang La Niña phenomenon ay kapag mayroong paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa gitna at silangang equatorial Pacific Ocean.
Ito ay nangyayari tuwing dalawa hanggang tatlong taon at ang tagal nito ay karaniwang tumatagal ng isa hanggang tatlong taon.
Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Ana Liza Solis, ang sunud-sunod na tropical cyclones sa bansa ay maagang senyales ng epekto ng La Niña.
Muli namang iginiit ni Solis na inaasahang papasok sa bansa ang mahinang La Niña, gayunpaman hindi umano ito dapat ipagwalang bahala.
“Kailangan emphasize, historically, base sa mga datos ng Pagasa, kapag weak La Niña mas maraming nararanasan na Super Typhoon na bagyo kapag September, October, November, December. So may dalawang similar condition na weak La Niña tayo pero nandoon yung tatlo hanggang apat na typhoon at super typhoon category,” paliwanag pa niya.