Gadon

Class suit vs Leni

255 Views

Mga magulang umalma sa pagpuwersa sa mga anak na sumali sa ‘musical event’

GALIT ang maraming mga magulang na pawang kasapi nang ibat-ibang Parent-Teacher Association (PTA) mula sa iba’t-ibang eskwelahan sa bansa dahil sa ginagawang pagpuwersa ng kampo ni Leni Robredo na sumama ang kanilang mga menor de edad na anak sa mga concert rally niya.

Ayon kay UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon, marami nang magulang ang lumalapit sa kanya para isumbong ang ginawang paggamit sa kanilang mga anak ng kampo ni Robredo para lamang isama ang ito sa kanilang rally na ang front ay isang ‘musical event.’

Ang modus operandi umano ng mga kampon ni Leni ay kakausapin ang mga administrator ng iba’t-ibang school kung saan sila magsasagawa ng concert rally at kukumbinsihin na obligahin na dumalo ang kanilang mga estudyante kapalit ng mas mataas na grado.

Para naman maobligang dumalo ang mga estudyante ay tatakutin sila na babawasan ang kanilang mga grades kaya napipilitan na lang ang mga magulang na payagang sumama ang mga menor de edad nilang mga anak.

“Lagot ka ngayon Lugaw Robredo. Marami nang Parent-Teacher Association ang naghahandang magsampa ng kaso sa iyo. Hindi basta kaso dahil isa itong class suit. Pati mga batang menor de edad ginagamit mo para lang palabasing marami ang pumupunta sa rally mo na sa totoo lang ay mga musical concert,” ani Gadon.

Sinabi ni Gadon na paglabag sa Section 10a ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law at Article 137-138 ng Labor Code of the Philippines as amended ang kakaharaping kaso ni Robredo, gayundin ang kanyang mga organizers at mga may-ari ng ibang eskuwelahan.

Base sa probisyon ng labor law, ipinagbabawal sa sinuman ang pag-arkila sa serbisyo ng mga kabataan na may edad na 15 hanggang 18 kung walang parent counseling at dapat may parental consent naman kung ang biktimang bata ay 15 anyos pababa.

Ang sino man na mapatunayang lumabag sa nasabing batas ay nahaharap sa parusang pagkakakulong ng prison mayor o katumbas ng mula sa anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

Ayon sa abogado, ang mga menor de edad na kabataan ay hindi dapat umalis sa bahay nang walang pahintulot ng magulang. Hindi rin sila dapat obligahin ng mga guro at may-ari ng eskuwelahan na pumunta sa isang political rally dahil labag ito sa batas.

Isang malaking paglabag aniya sa mga kabataan ang isabak sila sa pulitika lalo’t wala pa ito sa kanilang kamalayan.

“Kapag na-hamper mo ang development ng bata, violation iyon ng RA 7610. Alam mo dapat iyan dahil sabi mo abogado ka, Robredo,” sabi pa ni Gadon.

“Alam mo namang may COVID pa, pati bata kinakalantare mo para lang magmukhang marami ang rally mo. Uulitin ko, bakit hindi mo gawin sa motorcade iyan? Kasi lalangawin kayo na parang basura sa kalsada,” dagdag pa nito.

Malaking panganib din aniya para sa mga bata ang isabak sila sila sa mga political event, lalo’t kinumpirma ng Pangulong Duterte na may alyansa si Robredo sa teroristang NPA.

“Eh kung magkagulo. Magkaroon ng chaos, paano mo pananagutan iyan sa mga magulang ng bata?,” wika pa ng YouTube sensation na abogado.

Kung matatandaan, mismong si Caloocan City police chief Col. Sammuel Mina ang nagsabing hindi na dapat isinasama sa mga concert rally ang kabataang wala sa voting age.

“Supposedly hindi na dapat. Unang-una, they are not part of voting population na kailangan maintindihan ng botante. Iyong mga nakita namin kanina ay mga estudyante at alam naman natin ang isyu ng security sa atin ngayon. Siyempre mayroon pa rin tayong COVID,” anang police official nang kumpirmahin na karamihan sa dumating sa concert rally ay mga menor de edad.

Nagtanong din ang mga alagad ng batas kung bakit nasa event ni Robredo ang mga estudyante, karamihan umano sa mga sinagot nito ay para manood ng concert ng mga sikat na banda.

Ilan sa bandang nag-perform sa ‘event’ ni Robredo na tinawag nilang ‘Camanava Rock & Rosas’ ay ang Tropical Depression, Scicosci, Kuh Ledesma, Color It Red, Sikatuna, The vowel they orbit, Marsmango, Hey Moonshine, Prettier than Pink, Early Ears, Milky Summer, Santino, Miles Experience, Gracenote, Tuesday Vargas, Juana Change at marami pang iba.

Ganito halos din ang eksena sa concert rally ng pinklawan sa ibang lugar tulad ng Bulacan, Cavite at Pasig City kung saan ay karamihan sa mga kabataang pumunta ay para manood ng Itchyworms, Rivermaya, Ben&Ben, Ebe Dancel at iba pang artista ng ABS-CBN.

Sinabi ni Gadon na nakahanda rin siyang maging abogado ng mga magulang para isampa agad ang class suit laban kay Robredo na hayagan nang ginagamit ang mga menor de edad sa kanyang pangangampanya.