Martin1

Pagkwestyun sa 2025 national budget sa SC, haharapin ng Kamara-Romualdez

Chona Yu Sep 26, 2024
12 Views

HANDA ang liderato ang Kamara at mga kaalyado nito na harapin ang anumang kasong idudulog ng Bayan Muna Partylist sa Supreme Court kaugnay sa ipinasang 2025 national budget.

Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na karapatan ito ng Bayan Muna.

Paliwanag ni Romualdez,.dumaan sa masusing pagbusisi ng mga mambabatas ang P6.352 trilyong panukalang budget at dumaan ito sa normal na proseso

Gayunpaman, kung mayroon aniyang course of action ang sinumang grupo, magkita-kita na lamang sila sa SC.

“Thats their prerogative so we’ll see them in court. ito ay very very thorough dumadaan lang tayo sa normal na proseso pero kung meron silang course of action we will see them in court,” pahayag ni Romualdez.

Una nang sinabi ng Bayan Muna na iaakyat nila sa SC ang usapin ng pagpasa ng Kamara sa 2025 national budget dahil hindi anila ito dumaan sa tamang parliamentary procedure.