Lapid

Lapid ipagpapatuloy mga programa para sa edukasyon, kalusugan, infra, agri

61 Views

INENDORSO ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Senador Lito Lapid bilang opisyal na kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa 2025 midterm elections.

Si Lapid na kilala bilang Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo ay kasama sa  12 Senatorial candidates ng administrasyon sa ginanap na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention sa Philippine International Convention Center kahapon.

Si Lapid, na nanatili sa mataas na ranking sa top 12 senatorial candidates sa ilang surveys ay nagpahayag ng pasasalamat sa Pangulong Marcos sa pagendorso sa kanya.

Ayon kay Lapid, hangad nya na maipagpatuloy ang mga nasimulan na nyang mga proyekto at mga programa para sa agrikultura, edukasyon, kalusugan at trabaho.

Bilang Chairman ng Tourism Committee sa Senado, isinusulong ni Lapid ang paglalaan ng dagdag pondo sa Department of Tourism para sa promosyon at pagpapalago ng mga tourist destinations sa bansa na syang lilikha ng mga trabaho.

Nagpasalamat din si Lapid sa pagkakasama niya sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Narito ang kanyang mensahe:

“Unang-una po ay nagpapasalamat ako sa mahal na Pangulong Marcos at nasama tayo sa Bagong Pilipinas Coalition na isa ako sa 12 napili. Kaya maraming-maraming salamat po.

Hangad ko po na maipagpatuloy ang mga nasimulan nating mga proyekto at mga programa para sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura at agrikultura.Mabuhay po kayo!”