Church Source: FB

Donation boxes sa QC simbahan nilimas, suspek nangumpisal kuno

6 Views

NATANGAYAN ng hindi pa alam na halaga ng pera ang Our Lady of Miraculous Medal Parish sa Project 4, Quezon City ng pasukin ng mga kawatan noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa report, nagtago sa confession room ang isang kawatan bago limasin ang hindi pa batid na halaga ng pera sa loob ng mga donation drop boxes ng simbahan.

Sa pahayag ng simbahan, posibleng bandang alas-8:00 ng gabi nang looban ang simbahan dahil hinintay pang magsara.

Bandang alas-5:30 ng umaga nadiskubre na lamang ang mga donation boxes na bukas na at wala nang pera sa garden ng simbahan.

“Ang mga donation drop boxes kinuha sa kinalalagyan, sapilitang binuksan, kinuha ang mga laman nitong love offering sa envelopes,” nakasaad sa pahayag.

Ayon sa pamunuan ng simbahan, inireport nila sa Brgy. Marilag at sa Quezon City Police District (QCPD) Police Station 8 ang nakawan para sa imbestigasyon.