Patay Sinisiyasat ng mga pulis ang nakahandusay na biktima matapos pagbabarilin sa Palanca St., Quiapo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Bebot nagbabantay ng tindahan sa Quiapo todas sa pamamaril

Jon-jon Reyes Sep 28, 2024
72 Views

DEAD-on-the-spot ang isang babae nang pagbabarilin habang nagbabantay ng tindahan ng hindi nakikilalang suspek sa Palanca St., Quiapo, Manila noong Sabado.

Ayon kay Police Major Patrick Rodriguez, hepe ng Palanca-Barbosa Police Station 14, bandang alas-3:00 ng hapon ng mangyari ang pamamaril sa biktimang si alyas Ester habang binabantayan ang kanyang sari-sari store.

Base sa mga nakasaksi biglang sumupot ang hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo at walang kaabog- abog na pinagbabaril ang biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Napag-alaman na ang biktima namamahala ng mga relocation site ng mga nakatira sa ilalim ng Quezon Bridge.