BOMBA NAHUKAY SA NATIONAL MUSEUM SA ERMITA MANILA
Jun 18, 2025
Mga kanyan-kanyang opinyon tungkol sa impeachment
Jun 18, 2025
Calendar

Metro
Buntis kasama sa 6 na patay sa Tondo fire
Jon-jon Reyes
Sep 29, 2024
255
Views
ANIM ang patay, kasama ang anim na buwang buntis, sa sunog na umabot lang sa first alarm sa residential building sa Brgy. 25, Padre Rada sa Tondo, Manila noong Linggo.
Bukod sa buntis, patay din ang 2-anyos at 6-anyos na batang lalaki nang ma-trap sa nasusunog na bahay.
Napag-alaman na hindi nakababa sa ikatlong palapag ang mga biktima sa naganap na sunog. Nagsimula ang sunog alas-4:39 ng umaga.
Ayon sa isa sa kaanak na nakaligtas, biglang may sumabog sa nasabing kwarto at nang ibababa ang power breaker pumutok naman ang kanilang ilaw.
Doon na kumalat ang apoy hanggang abutin ang mga nakasabit na mga kurtina. Napag-alaman na 13 katao ang nakatira sa nasabing gusali walang fire exit, ayon sa Bureau of Fire Protection.
BOMBA NAHUKAY SA NATIONAL MUSEUM SA ERMITA MANILA
Jun 18, 2025
Haplos bata nauwi sa haplos selda
Jun 17, 2025
Bebot sabit sa carnapping, na-towing
Jun 17, 2025
Suspek sa pagpatay sumuko sa MPD
Jun 17, 2025