Maymay

Maymay ‘slay’ sa Paris Fashion Week

Vinia Vivar Sep 30, 2024
49 Views

Masayang-masaya si Maymay Entrata sa kanyang debut appearance sa Paris Fashion Week.

Ibinahagi ng Kapamilya singer/actress sa social media ang mga larawan niya habang rumarampa sa runway suot ang bonggang creations ng mga designer na sina Leo Almodal (from the Philippines) and Phan Huy (from Vietnam).

Sa isang reel na kanyang ipinost, Maymay slayed the runway in her fabulous gown by Almodal.

“Thank you po @leoalmodal for your creations that made me feel like a Princess,” caption ni Maymay.

Ipinost din niya ang reel kung saan ay makikitang suot niya ang design ni Phan Huy na super-bongga rin at bagay sa kanya.

“This is my 1st look by @phanhuy.official @stevendoanstyle. And my first runway in Paris Fashion Week, I will for sure treasure this talaga. Thank you so much for having me po,” caption ng Kapamilya artist.

Bukod sa pagrampa sa runway, Maymay also performed her hit song, “Ama Kabogera” at the fashion show kaya naman winner na winner ang beauty niya.