Saksakan Ang nasawing biktima. Kuha ni JONJON C. REYES

Inuman nauwi sa saksakan; waiter patay

Jon-jon Reyes Oct 2, 2024
7 Views

PATAY ang isang 25-anyos na binatang waiter matapos masaksak sa dibdib sa inuman na nauwi sa suntukan at saksakan sa bar sa kahabaan ng N. Zamora St.,Brgy 86,Tondo Manila, Martes ng umaga.

Dead on arrival ang biktimans si Alyas M-Jay, naninirahan sa Brgy 131 sa Tondo Manila

Ayon sa isinumiting report ni PMSg. Irene Jay Manalili kay Police Capt.Dennis Turla Hepe, ng Homicide section Unit ng MPD bandang 6;20 ng umaga ng maganap ang pananaksak sa biktima,.

Base sa Imbistigasyon ng pulisya, masayang nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang kani-kanilang grupo sa loob ng nasabing bar nang biglang sinuntok ng isa sa mga kasamahan ng suspek ang biktima.

Nauwi ito sa rambulan.

Agad naman naawat ang dalawang grupo at sila ay mapayapang naghiwalay.

Gayunpaman,habang papalabas na ang biktima sa nasabing bar ay bigla umanong sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na sinaksak sa dibdib ang una.

Tumakas sa di malamang direksyon.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit bandang alas 6:00 ng umaga ay binawian ito ng buhay. Ito ay idineklara ni Dr. Joseph Choi, attending physician.

Mabilis na naaresto ang suspek na nakilalang si alyas “Arnel” matapos magsagawa ng agarang back-tracking sa mga kuha ng CCTV at follow up operation ang mga operatiba ng MPD.