Tan

Gov. Tan naghain ng COC, idiniin na itutuloy nasimulang programa

Chona Yu Oct 3, 2024
56 Views

IPAGPAPATULOY ni Quezon Governor Helen Tan ang mga nasimulang proyekto at programa para sa ikauunlad ng lalawigan at mga kababayan.

Ito ang sinabi ni Gov. Tan sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa pagkandidato bilang gobernadora sa gaganaping national at local elections sa Mayo 12, 2025.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Governor Tan ang hangarin na maipagpatuloy ang kanyang sinimulan na tunay, mahusay at responsableng pamumuno para sa kagalingan ng lalawigan ng Quezon kung kaya’t nakahanda muli siyang maglingkod ng buong-puso.

Matatandaang nitong nakaraang Setyembre 30 ay ginanap ang kanyang ikalawang Ulat sa Lalawigan kung saan sa kabila ng maraming suliraning kinaharap, maraming na ring mga pagbabago, progreso, at kaunlarang natamasa ang Quezon Province na nakaayon sa HEALING Agenda.

Maliban naman aniya sa HEALING Agenda , ay tuloy pa rin ang kanilang direksyon sa pag ikot sa may 41 munisipalidad ng lalawigan para ipagpatuloy ang mga programa at proyekto sa mga kalalawigan.

Ayon din kay Governor Tan, handa rin siyang lumaban at harapin ang mga nagnanais din na kumandidato bilang Gobernador, habang patuloy ang paglilingkod katuwang ang mga kapartido na mga kongresista, mga lokal na pamahalaan at iba pang pribadong sektor.

Samantala, kasabay na naghain ng kanilang pagkadidato ang iba pang mga opisyal sa lalawigan ng Quezon tulad nila Vice Governor Third Alcala, 1st District Congressman Mark Enverga, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at Doc Kim Tan na tatakbong bokal sa ikalawang distrito.