Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
File photo ni JONJON C. REYES
Metro
Binatilyo utas sa truck
Melnie Ragasa Jimena
Oct 3, 2024
532
Views
DEAD-on-the spot ang binatilyo na nasagasaan, nakaladkad at naipit sa gulong ng 22-wheeler na truck habang tumatawid sa Quezon City noong Miyerkules.
Nangyari ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga sa harap ng condominium sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City.
Base sa CCTV footage ng barangay, makikitang tumawid ang biktima papunta sa kabilang lane ng nabangga ng truck (ABT 1712).
Pumailalim ang biktima sa truck at nakaladkad ng ilang metro bago huminto ang truck.
Ayon sa rumespondeng kawani ng barangay, nakaipit pa sa gulong ng truck ang katawan ng biktima nang madatnan nila.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng truck.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

