Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Julia

Julia dinumog na mag-enemy reveal na

Vinia Vivar Oct 6, 2024
7 Views

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang cryptic post ni Julia Montes at naghuhulaan ang netizens kung sino at ano ang kanyang tinutukoy.

Mababasa sa Instagram Story ni Julia na tila may taong trumaydor sa kanya.

“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap ‘diba!” aniya.

Sabi pa niya, “Oo ikaw alam mo kung sino ka. Mga tao talaga.”

Maraming fans and netizens ang nagulat at nanibago dahil kilala natin si Julia bilang tahimik na tao at hindi rin siya mahilig mag-post lalo na nga ang mag-rant sa socmed.

Kilala nga rin natin siyang hindi nakikipag-away kaya naman shocked ang marami sa kanyang post.

Sey nga ng isang netizen, “Enemy reveal na yarn!”

May mga nangba-bash din at nagpapayo sa aktres na hindi siya dapat nagpo-post ng ganito dahil nakaka-cheap.

“Nakaka cheap talaga yung ganitong ina-air sa social media ang mga personal na away at parinigan. Mapa-celebrity o non-celebrity,” anang netizen.

“Ayyyy hindi nakaka mature ang ganitong mga post. Jusko. Away bata,” komento naman ng isa pa.

Pagtatanggol naman ng isang fan, “sa bait ni julia first time sya nagpost ng ganyan malamang totoo nga.”

Hula naman ng isa pa, “Probably may konek to dun sa mga kumakalat na photo niya with her panganay na anak daw na kamukha ni coco.”

Sabi naman ng isa, “Kung sino ka mang pinatatamaan ni Julia…please lang, magreact ka.”

Reaksyon naman ng isa pa, “Haha! Never thought nga mag gaganyan sya since she is usually behaved lang.”

Well, kami naman ay sobrang clueless kung sino ang tinutukoy ni Julia since napaka-pribado ngang tao ng aktres at hindi natin alam kung sino-sino ang friends niya.

Zanjoe happy daddy

Enjoy na enjoy si Zanjoe Marudo bilang first-time daddy sa baby nila ng misis na si Ria Atayde.

Sa latest video na in-upload ni Ria ay makikita si Z na karga ang kanilang baby boy at pinaaarawan sa labas ng bahay.

Caption ni Ria, “@ONLYZANJOEMARUDO Top 10 fave parts of my day: seeing you have sun time with our son.”

Kitang-kita sa aktor kung gaano siya ka-happy bilang ama. Habang karga nga niya si Baby Marudo ay nakangiti niyang tinitingnan ang mukha nito.

Matatandaan na ipinanganak ni Ria ang kanilang panganay last Sept. 23