Alkalde sa Cerritos, California isang Pinay
Apr 21, 2026
Hepe ng PRO 4A pinalakas PIOs
Apr 21, 2026
Mandatory drug test sa mga parak-Batangas ginanap
Apr 21, 2026
Calendar
Nation
Crispin, Remulla, Estrella itinalaga ni PBBM na caretaker ng PH
Chona Yu
Oct 8, 2024
700
Views
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella III bilang caretakers ng bansa.
Ito ay habang nasa ibang bansa si Pangulong Marcos para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane, Lao na gaganapin sa Oktubre 8 hanggang 11.
Bilang mga caretakers, pangangasiwaan ng tatlong kalihim ang pang-araw-araw na gawain sa Pilipinas.
Ito ang unang pagkakataon na hindi si Vice President Sara Duterte ang itinalagang caretaker ng Pilipinas.
Una nang sinabi ni Duterte na nagkalamat na ang relasyon nila ni Pangulong Marcos.
Alkalde sa Cerritos, California isang Pinay
Apr 21, 2026
NBI pinalakas laban sa online sexual abuse
Apr 21, 2026
Lacson suportado fuel price adjustment ng DOE
Apr 21, 2026

