Martin Ayon kay Speaker Ferdinand Martin g. Romualdez, ang pakikilahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN Summit at ang kaniyang adbokasiya para sa digital transformation ay pakikinabangan ng mga karaniwang Pilipino sa pamamagitan ng pagbubukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo.

Pagpapalakas ng MSMEs sa ASEAN ni PBBM pinalakpakan ni Speaker Romualdez

48 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang pagdiin sa panawagan na palakasin ang digital connectivity at digitalization bilang mga pangunahing hakbang sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon ng ASEAN.

Sa plenary session ng 44th ASEAN Summit sa Laos, itinampok ni Pangulong Marcos ang pagbabago ng digitalization na isa umanong mahalagang puwersa para sa mabilis at matatag na pakikipag-ugnayan sa ASEAN at isang pangunahing kasangkapan para isulong ang inobasyon, pag-unlad, at mga pagkakaroon ng mga bagong pagkakataon.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang pakikilahok ng Pangulo sa ASEAN Summit at ang kaniyang adbokasiya para sa digital transformation ay pakikinabangan ng mga karaniwang Pilipino sa pamamagitan ng pagbubukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo.

“This is not just about diplomacy and high-level discussions. The President’s push for stronger digital connectivity in ASEAN translates to real, tangible benefits for the Filipino people,” ayon kay Speaker Romualdez.

“By fostering innovation and increasing access to digital markets, we are unlocking opportunities for local businesses, especially MSMEs, and creating new jobs for our workforce.”

Binanggit din niya na ang pagpapabuti ng digital connectivity sa rehiyon ay magbibigay daan sa mas maraming pagkakataon para sa mga negosyo at negosyante sa Pilipinas, na maaaring magresulta sa paglikha ng napakaraming trabaho para sa mga Pilipino.

“The President’s vision of a digitally connected ASEAN where innovation thrives and opportunities abound is fully aligned with our own national efforts,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“In the Philippines, we have already taken significant steps to accelerate digitalization through key initiatives such as the E-Government Act, the Public Service Act amendments, and various infrastructure programs aimed at expanding broadband access to remote areas,” dagdag pa nito.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa humigit-kumulang $35.4 bilyon ang digital economy ng bansa noong 2023 at nag-ambag ito ng 8.4 porsyento sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Nagresulta ito sa 7.7 porsyentong paglago mula sa $33.6 bilyon na Gross Value Added ng digital economy noong 2022.

Sa kanyang pahayag sa plenary session ng ika-44 na ASEAN Summit, inilarawan ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng paglikha ng isang ligtas at mapagkakatiwalaang digital environment upang itulak ang rehiyon na maging ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Kinilala rin ni Panguklong Marcos ang kahalagahan ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA) na layuning itaas ang digital economy ng ASEAN sa USD 2 trilyon bago mag-2030.

Ipinahayag ng Pangulo ang kahalagahan ng pamumuhunan sa matatag na cybersecurity, paglinang ng kasanayan ng mga tao sa digitalization, at pagbuo ng mga pangunahing digital infrastructure upang matiyak ang pang-ekonomiyang direksyon ng ASEAN.

Ayon kay Speaker Romualdez, suportado ng Kamara ang mga inisyatibang ito na makatutulong sa pagpapa-unlad ng 70 milyong micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa ASEAN, na bumubuo sa 99% ng mga negosyo sa rehiyon.

“MSMEs are the backbone of our economies, and ensuring they have access to digital platforms, financing, and training will be essential to their success,” ayon kay Romualdez, bilang pagsang-ayon mga pananaw ng Pangulo na dapat pondohan at suportahan ang digital transformation para sa mga MSMEs.

“We in the House of Representatives will continue to work hand-in-hand with the Executive branch to allocate resources and pass measures that will ensure the Philippines plays a key role in making ASEAN a global economic powerhouse,” sabi pa nito.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang digitalisasyon ay hindi lamang nagpapalakas ng mga ugnayang pang-ekonomiya sa mga miyembrong estado ng ASEAN kundi nagtataguyod din ng inklusibidad sa pamamagitan ng pagtugon sa digital gap, lalo na sa mga komunidad na hindi sapat ang serbisyo.

“We are committed to seeing the fruits of these efforts translate into a more vibrant, resilient, and inclusive economy for all Filipinos and our neighbors in the ASEAN region,” ayon pa kay Speaker Romualdez.