Nadine

Nadine trending sa bagong itsura

Vinia Vivar Oct 14, 2024
43 Views

Trending ngayon sa online world ang new look ni Nadine Lustre. She’s now sporting a short hairstyle at ngayon nga lang namin siya nakita sa ganito kaikling buhok.

Ipinost ng hair stylist na si Paul Nebres ang mga photo ni Nadine with her newly-cut hair and in fairness, bagay na bagay naman sa aktres.

Makikita rin sa video na ipinost ni Paul ang aktwal na paggupit niya ng buhok ni Nadine.

Ang bagong hairstyle ni Nadine ay ipinakita niya sa ‘RAJOMAN’ ang first all-menswear fashion show ni Rajo Laurel last Oct. 10.

Pinagkaguluhan nga agad sa online ang mga bagong photo ni Nadine gayundin ang video ng pagrampa niya sa fashion show at lahat ay nagsabing bagay pala sa aktres ang short hair.

Anne malapit na umuwi

Nagpaliwanag si Anne Curtis kung bakit wala siya sa “It’s Showtime” lately. Sunod-sunod kasi ang mga tanong ng netizens sa kanya sa X kung nasaan siya.

Tanong ng isang follower niya, “Kailan ka po papasok sa Showtime? Magpasikat na po kayo, di ba’t hindi pa kayo nagpa-practice?”

Tanong ulit ng isa pa, “#AnneCurtis, nasaan ka na ba kasi? Inaabangan ka ng buong Madlang People HAHAHAHA. Aabot ka ba?”

Sumagot naman si Anne at sinabing nasa Bacolod siya at nagti-taping ng upcoming drama series niya sa Kapamilya, ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “It’s Okay To Not Be Okay.”

“Bacolod na ako mhie! Shooting na ng It’s okay to not be okay! Uwi me Next week! Kaya natin to Jugs and Teddy!” paliwanag ng aktres.

Kasama rin ni Anne sa nasabing serye sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.