Frasco1

Rep. Frasco sinisikap isabuhay kuwento ng “Mabuting Samaritano”

Mar Rodriguez Oct 15, 2024
43 Views

Frasco2Frasco3SINISIKAP ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco na maipakita sa kaniyang mga kababayan ang pagsasabuhay sa kuwento ng “Mabuting Samaritano” na halaw sa Bibliya matapos Itong mamahagi ng mga cheke para sa mga pasyenteng kasakukuyang naka-confine sa iba’t-ibang pribadong Ospital sa nasabing laalawigan.

Ayon sa House Deputy Speaker, bagama’t naka-confine sa isang pribadong ospital ang isang pasyente ay hindi naman ito nangangahulugan na kaya na nitong bayaran ang kanilang hospital bill na kadalasan ay umaabot sa daang-libong piso o kaya ay milyong-piso.

Dahil dito, namahagi si Frasco ng mga cheke na umaabot sa P28 milyon sa kabuuan para sa mga pasyenteng kasalukuyang naka-confine sa mga pribadong ospital sa Cebu City partikular na para sa mga pasyenteng residente ng 5th District.

Aminado si Frasco na may mga pasyenteng naka-confine sa iba’t-ibang private hospital ang hirap sa buhay dahil sa krisis na kasalukuyan nilang pinagdadaanan. Kaya naman bilang Kinatawan ng 5th District, obligasyon aniya nito ang tumulong sa mga pasyenteng naka-comfine sa mga pribadong Ospital na namo-mroblema kung papaano nila mababayaran ang napakalaking hospital bill nila mula sa Doctor’s fee at mga niresetang gamot.

Paliwanag pa ng kongresista na layunin din nito na tulungan ang kaniyang mga kababayan mahirap man o may kaya sa buhay sa pamamagitan ng financial assistance habang sila ay naka-confine sa Ospital dahil napaka-gastos aniya ang pagkakaroon ng karamdamankaramdaman kasunod ang pagkaka-confine sa isang Ospital.

“Hindi kaila sa atin na magastos ang magkasakit. Walang mahirap at mayaman dito. Lahat ay iniinda ang napakalaking gastos na kailangan nilang bayaran sa isang Ospital lalo na sa isang private hospital, kaya naman ginagawa natin ito para makatulong sa ating mga kababayan na naka-confine sa isang private hospital,” paliwanag pa ni Frasco.

Sabi pa ni Frasco na obligasyon din nitong tulungan ang lahat ng kaniyang mga kababayan naka-confine man sa pribadong Ospital o pampubliko. Sapagkat silang lahat aniya ay nagtitiwala sa kaniya na pagsisilbihan nito ang lahat ng mamamayan ng lalawigan mahirap man o mayaman.