Malaysia Mainit ang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Dato Seri Ahmad Zahid bin Hamidi, Deputy Prime Minister ng Malaysia, na nag-courtesy call sa Palasyo.

PH, Malaysia tiniyak: Kolab sa edukasyon, disaster response palalakasin pa

Chona Yu Oct 15, 2024
120 Views

Malaysia1TINIYAK ng Pilipinas at Malaysia na palalakasin pa ang kolaborasyon ng dalawang bansa sa edukasyon at disaster response.

Ito ay matapos ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Malaysia’s Deputy Prime Minister and Minister for Rural and Regional Development sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa courtesy call ni Hamidi kay Pangulong Marcos, sinabi nitong very good force ang Pilipinas dahil sa mga bata, hardworkinga t well-trained ang mga Filipino.

“Filipinos are used to working with foreign entities because of our diaspora. But we have to train them. After COVID, everything is new. The technologies are different,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi naman ni Hamidi na nais ng Malaysia na malaman ang education system sa Pilipinas.

Tinutukan aniya ngayon ng mga estudyante sa Malaysia ang Technical and Vocational Education and Training (TVET).

Sa usapin sa disaster response cooperation, sinabi ni Hamidi na may isang Malaysian special group called na SMART Team ang maaring ipadala sa Pilipinas kapag may bagyo kung aaprubahan ng Pangulo.

“Of course, that is a very generous offer of assistance. Yes, thank you. Actually, we can organize that as soon as everyone is ready for that,” pahayag ni Pangulong Marcos.