Frasco5

Mahusay na performance ni Frasco bilang Kalihim ng DOT sinang-ayunan ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Oct 17, 2024
16 Views

MadronaBILANG chairperson ng House Committee on Tourism, sinang-ayunan ni Romblon Lone Dist. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang ibinigay na pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos patungkol kay Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco bilang pinakamahusay na Kalihim ng naturang ahensiya.

Ayon kay Madrona, sinisigundahan nito ang pahayag ng Unang Ginang na naglalarawan kay Frasco bilang magaling na Kalihim ng Tourism Department dahil sa ekselenteng performance nito sa pagpo-promote ng Philippine tourism o tourism sector sa international community.

Sabi pa ni Madrona na hindi maikakaila na talaga namang kahanga-hanga ang ipinapamalas na performance ni Frasco hindi lamang para mapahusay ang turismo ng Pilipinas. Bagkos para hikayatin ang mga lokal at dayuhang turista na suportahan ang sektor ng turismo sa pamamagitan ng pagtangkilik sa iba’t-ibang tourist destination sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Nauna nang ipinahayag ng kongresista na bilang Kalihim ng DOT. Isa aniyang napakahusay na “sales lady” si Frasco sapagkat kahanga-hanga ang promosyon nito sa turismo ng bansa para sa mga dayuhang turista o sa international community na nagre-resulta sa pagdagsa ng laksa-laksang dayuhang bisita sa Pilipinas partikular na sa buwan ng Disyembre at summer season.

Nauna rito, pinapurihan ni FL Araneta-Marcos si Frasco kung saan sinabi nito na maganda ang ipinapakitang performance ng Kalihim sa pamamagitan ng pagpo-promote sa turismo ng Pilipinas.