Fake account ni Juday may 3.4M followers

Vinia Vivar Oct 19, 2024
22 Views

Nagbigay ng official statement ang kampo ni Judy Ann Santos tungkol sa isang Facebook account na ginagamit ang pangalan ng aktres.

Ayon sa post ng official Instagram account ni Juday, hindi pag-aari ng aktres o ng kanyang management ang FB page na Judy Ann Santos-Agoncillo Fans.

“This is to inform the public that Judy Ann Santos-Agoncillo Fans is not the official account of Judy Ann Santos. Any posts made here are not from her or her management,” pahayag ng officialjudayph.

Patuloy pa nito, “Any posts made here are not from her or her management.”

Nakiusap din ang kampo ni Juday na i-report ang anumang makikitang pekeng account ng aktres.

“Please report any suspicious accounts and follow our pages for real updates listed below. Thank you for your support,” saad pa sa post at sa ibaba ay nakalagay nga ang mga official account ni Juday sa social media.

Ang nakakaloka ay may 3.4 million followers na ang nasabing fake account kaya naman marami ang naniniwala na kay Juday nga ito.

Alden sinagot na ang tanong na lahat ng tao

Sinagot na ni Alden Richards ang tanong na gustong malaman ng lahat ng tao ang kasagutan.

Sa guesting ni Tisoy (Alden) sa “Fast Talk with Boy Abunda: Behind-the-talk with Alden Richards (Online Exclusive)” ay diretsahang tinanong ni Kuya Boy kung nanliligaw ba siya kay Kathryn.

‘Yun nga lang, hindi malinaw ang naging sagot ng aktor.

“‘Yung meron po kami ni Kathryn ngayon, Tito Boy is… I should say, really deep and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong na-discover sa kanya, our similarities and differences on how we view life,” ani Alden.

“And sobrang naa-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open-up niya sa ‘kin, welcoming me to her life, and of course, the family. Na-meet ko na rin po ‘yung family (ni Kath),” dagdag pa ng aktor.

Nagbiro si Kuya Boy kung pormal ang pamamanhikan at natawa si Alden. Inulit ng TV host ang tanong, “Pormal ka bang ipinakilala sa pamilya?”

Sagot ng leading man ni Kathryn sa “Hello, Love, Again,” “Nakakapunta po ako sa bahay nila Kath.”

Tanong ulit ni Kuya Boy, “Gaano kadalas?”

Sagot ni Tisoy, “‘Pag kaya po ng oras.”

Komento naman ng fans, very obvious sa mga kilos ni Alden that he’s in love at wish nila na ma-reciprocate ni Kathryn ang love na ‘yun.