Leni Robredo

Leni ‘dilawan’ pa rin

594 Views

DAPAT nang huminto sa kahibangan ang dilawang presidential bet na si Leni Robredo na umaasa hangga ngayon na mananalo siya sa darating na May 9 national elections.

Ito sinabi ng isang beteranong babaeng mamamahayag kasabay ng pagbibigay-diin na may panahon pa para magising ito sa katotohanang isinusuka na ng mamamayang Pilipino ang kampon ng dilawan!

Isang patunay dito ay ang naglalabasang mga scientific surveys at ang Kalye Surveys na kinukuha ‘real time, real people’ sa mga kalsada.

“Tigilan na nila ang pananaginip ng gising. Sa lahat ng mga surveys, pati sa mga Kalye Surveys, ang layo ng Mama Leni nila. Sa tingin ba nila kakayanin pa nilang humabol? Unless mandaya ulit sila,” anang mamamahayag na nakiusap itago ang pangalan.

“Gusto nilang paniwalain ang mga botante na puno ng tao ang mga rally nila dahil maraming supporters si Leni pero pati sila mismo naniniwala,” anang babaing mamamahayag.

Ang pahayag na ito ay bilang reaksiyon sa video na inilabas ng SPLAT Communications, kung paano tina-tabulate at sinusuri ang Kalye Surveys na isinagawa noong October ng nakaraang taon hanggang March 24.

Nabatid na si Marcos ay nakakuha sa Kalye Survey ng 83,168 o 61.1%. Si Robredo ay malayong pangalawa sa 13,776 or 10.1% na sinundan ni Isko Moreno na may 10,232 katumbas ng 7.5%.

Si Marcos ay nanguna rin sa 60 mula sa kabuuang 67 probinsiya.

Ang pinakamababang rating na nakuha ni Marcos ay pangatlo at ito ay sa isang probinsiya lamang.

“How can a candidate who garnered the highest preference share in only five out of 67 provinces win? Where will the votes come from? Even if, for the sake of argument, she gets the remaining 14 provinces without data, she would just be leading in only 19 provinces in all. And then this becomes, numerically, statistically, and logically impossible. It just does not add up. It will never add up,” pahayag ng SPLAT.

“For those who had been deliberately misleading their followers and making them expect that they have a realistic shot at this, shame on you. That is a very cruel thing to do to make the people expect by feeding them with false information that does not stand on any empirical, statistical or even logical data,” pahayag pa ng SPLAT.
Binatikos din ng mamamahayag ang pagpapalit ng kulay ni Robredo mula dilaw na ginawang pink — patunay na siya mismo ay wala nang paniwala sa kampo ng dating tumulong sa kanya na si Pangulong Noynoy Aquino.

“Tigilan na niya ang panloloko nya! Kahit anong gawin niyang pagpapanggap, kahit pakulayan pa niya ng pink ang buhok niya, dilawan pa rin siya. Pa-independent, independent pa siya. Alam naman ng lahat na siya ang kandidato ng Liberal!” sabi pa ng lady reporter.