UniTeam Kasama ni UniTeam presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr (gitna) at kanyang running mate Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte (4th kaliwa) sina (mula kaliwa) senatoriable Mark Villar, Lakas-CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez, at sentoriable bets Rodante Marcoleta, Win Gatchalian, Gibo Teodoro, Gringo Honasan at Larry Gadon sa pagpapakita ng Tibay at Puso sign sa grand rally sa Carmen, Davao Del Norte. Nagpahayag si Governor Roy Catalan ng buong suporta sa tambalang BBM-SARA at UniTeam senatoriables. Kuha ni VER NOVENO

Political bigwigs ng DavNor nagsama-sama para ipanalo BBM-Sara UniTeam

185 Views

NAGSAMA-SAMA ang mga political bigwigs ng Davao del Norte upang tiyakin ang panalo nina UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., vice presidential aspirant Sara Duterte at kanilang senatorial ticket.

Dumalo sa political rally sa Carmen, Davao del Norte ang mga prominenteng angkan ng mga Del Rosario, Floirendo, Dujali, Uy, at Aala upang ipakita ang kanilang suporta sa mga kandidato ng UniTeam.

Ayon kay Oyo Uy, kandidato sa pagka-gubernador ng probinsya tiwala ito na maipagpapatuloy ng BBM-Sara UniTeam ang mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

“Diri sa Davao del Norte, 101 percent ang among support sa BBM-Sara tandem. Walang ibang makapapagpatuloy ng mga nasimulan ni President Duterte kundi sila lang,” sabi ni Uy.

Ayon naman kay Rep. Alan “Aldu” Dujali full-support ang kanilang grupo sa UniTeam tandem at “walang iwanan hanggang matapos ang laban.”

Nagpahayag naman ng kumpiyansa sa kakayanan nina Marcos at Duterte si dating Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario.

Mahalaga umano ang pagtulong sa mga maliliit na negosyante upang dumami ang trabaho sa bansa.