Calendar
Agusan del Norte nag-host ng dinner para sa PEP-Caraga event
NAG-host ng welcome dinner para sa mga kalahok sa Philippine Experience Program (PEP)-Caraga ang Agusan del Norte na nagtatampok ng mga katangian ng 10 munisipalidad ng lalawigan sa provincial capitol noong Lunes.
May kani-kanilang booth at nag-aalok ang 10 munisipalidad ng kanilang pinakasikat na delicacy at iba pang mga produkto.
Isang masarap na salo-salo ang inihanda ng mga mahuhusay na chef ng rehiyon at ang mga panauhin pinanood ang cultural presentation ng lalawigan na may temang “Buhay Mas Masigla sa Agusan del Norte.”
Ibinahagi ni DOT Undersecretary Verna Buensuceso ang kahalagahan ng PEP para mapantayan ang mga oportunidad sa turismo para sa iba’t-ibang destinasyon ng Pilipinas.
Tinanggap ni Vice Governor Enrico Corvera ang lahat ng dumalo sa hapunan na inaanyayahan ang lahat na subukan ang iba’t- ibang produkto na ipinakita noong gabing iyon.
Nagbigay rin ng mensahe si Agusan del Norte Gov. Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba sa pamamagitan ng video.
Mga produktong agri at aquamarine, mga lokal na handicraft at mga katutubong delicacy mula sa iba’t-ibang munisipalidad ng Agusan del Norte sa AgNor Tabo ang susunod na makikita.