Calendar
MGA BAGONG OPISYAL NG MANILA CITY HALL PRESS CLUB NANUMPA KAY PCO SECRETARY CHAVEZ SA MALAKANYANG
NANUMPA ang mga bagong opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez noong Martes.
Ang MCHPC ay ang kauna-unahang samahan ng mga mamamahayag sa Pilipinas. Ito’y itinatag noong 1955.
Kabilang sa mga nanumpa kay Chavez ay sina Jocelyn Tabangcura-Domenden ng Remate Online/Pfiles (president); Benjamin Cuaresma ng Maharlika.Tv (vice president); Gene Adsuara ng People’s Balita (secretary); Emmanuel Mortega ng RMN/DZXL (treasurer); at mga director na sina Felix Laban ng DZME, Lorenz Tanjoco ng Radyo Pilipinas at Edd Reyes ng People’s Journal Tonight, gayundin si Bishop Jess Basco ng People’s Balita na isa sa tumatayong adviser ng grupo.
Kabilang din sa mga opisyal ng nasabing grupo ay sina Marvin Empaynado ng People’s Tonight (auditor); mga director na sina Madz Villar ng Net25, Jon-Jon Reyes na photojournalist ng People’s Tonight at Nan Ramos ng Police Files Tonite; at mga adviser na sina JR Reyes ng Remate News Central at Aya Yupangco ng DWIZ.
Isang malaking karangalan naman para sa grupo na makapanumpa kay Chavez dahil siya ay kinikilala sa industriya at dati ring mamamahayag sa People’s Journal.
Lubos ang pasasalamat ng MCHPC sa oras at panahon na ibinigay ng kalihim para sa nasabing kaganapan.