Coco

Coco ramdam na ramdam pagmamahal ni Julia

Vinia Vivar Nov 6, 2024
14 Views

Super proud si Coco Martin sa long-time girlfriend na si Julia Montes matapos mapanood ang trailer ng “Saving Grace.”

Si Julia ang isa sa mga bida ng nasabing upcoming Kapamilya series kasama sina Megastar Sharon Cuneta at Sam Milby.

“Sobrang proud, at ako din sobrang proud sa kanya kasi nakita ko na ‘yung trailer ng ‘Saving Grace,’ grabe sabi ko parang pelikula. Galing ng mga directors and actors,” sey ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.

Bukod dito ay very proud and thankful din ang aktor/direktor sa suporta at pagmamahal ni Julia.

“Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal niya sa akin sa lahat ng ginagawa ko, mapa-pelikula o soap opera at sa pagpo-produce ko,” sey ni Coco.

Dagdag pa niya, “Ang sarap na alam mo mayroon kang katuwang na alam mong mahal ka, sinuportahan ka tapos give and take kayo. Nagbibigayan, walang inggitan, walang kumpetisyon.”

Bagama’t umamin na sina Coco at Julia sa kanilang relasyon ay napapanatili pa rin nila ang pagiging pribado nila bilang magdyowa at sey ng aktor ay nais niyang manatili ito.

“Tahimik, tahimik ang buhay, walang intriga. Sabi ko nga, the more na tahimik ka, the more na ito ka lang, private ka lang, mas nakakaiwas ka sa ikasisira ng buhay mo or ikasisira ng relasyon,” sey ng Kapamilya Teleserye King.