Hontiveros

Sen. Risa todo suporta sa nilagdaang maritime laws

33 Views

Pinapurihan ni Deputy Minority Leader Senador Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang ipinahayag niya ang kanyang matibay na suporta sa dalawang bagong batas natukuyin at protektahan ang mga maritime zones at archipelagic sea lanes ng Pilipinas.

Nilagdaan ito kamakailan bilang batas ni Pangulong Marcos Jr., kung saan ay malinaw na itinatakda ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act ang mga pangunahing hangganan at alituntunin para sa mga teritoryal na pag-aangkin ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

“It is only right that the President sign the Philippine Maritime Zones Act and Philippine Archipelagic Sea Lanes Act into law,” pahayag ni Hontiveros.

“I have supported these measures since they were first discussed in the Senate, as they are crucial in safeguarding our territorial claims in the WPS.” Ayon sa senadora na co-author ng Maritime Zones Act, kung saan ay binigyang-diin niya ang mga batas na ito ay naglalayong protektahan ang tubig at yamang-dagat ng Pilipinas, na mahalaga para sa mga susunod na henerasyon.

Inilahad din ang posibleng pagtatatag ng isang Center for West Philippine Sea (WPS) Studies sa ilalim ng House Bill No. 7824 .

Nagpakita ng suporta si Hontiveros sa agaran implementasyon nito, at iginiit nito bilang mahalagang kaakibat ng bagong mga batas sa maritime.

“The more we learn about and study the WPS, the more effectively we can protect and defend it,” aniya, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pananaliksik at kaalaman sa pagpapalakas ng depensa sa teritoryo.

Sa harap ng nalalapit na pagbabago Ng mga patakaran sa China ni President-elect Donald Trump, naniniwala si Hontiveros na ang darating na administrasyon ng U.S. ay maaaring gumanap ng papel sa pagsuporta sa paninindigan ng Pilipinas kung patuloy itong sumusuporta sa international law at tinatanggihan ang malawak na pag-aangkin ng China sa WPS at South China Sea.

“If the U.S. continues to stand by international law, then President-elect Trump should be supportive of these two laws,” ani niya.

Ang Philippine Maritime Zones Act at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act ang dalawang batas na nilagdaan ng pangulo na ayon sa senadora ay napapanahon.