President Trump

Ugnayan ng AFP sa US mananatiling malakas sa pagkakapanalo ni Trump

Chona Yu Nov 8, 2024
13 Views

General Romeo BrawnerKUMPIYANSA si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner na mananatiling malakas ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Pahayag ito ni Brawner sa pagkakapanalo ni US President-elect Donald Trump sa katatapos na eleksyon.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Brawner na may mga kasalukuyang kasunduan ang dalawang bansa.

Halimbawa na aniya ang Mutual Defense Treaty.

“We are pptimistic that the relationship of the AFP with the military of the United States remain robust and strong,” pahayag ni Brawner.

Matagal na aniyang may kasaysayan na nagbabahagi ang Pilipinas at Amerika sa defense cooperation.

Magkasama rin aniya ang Pilipinas at Amerika na lumaban sa World War II.

Katunayan, patuloy sin aniya ang suporta ng Amerika sa Pilipinas sa kampanya kontra terorismo.

Bago pa man ang eleksyon, sinabi ni Brawner na nangako ang Amerika na patuloy na susuportahan ang Pilipinas lalo na sa usapin sa depensa.