Calendar
Magsino nakiisa sa pagbubukas ng WTM sa London
NAKIISA si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino kasama ang mga international leaders sa pagbubukas ng Philippine Pavillion na ginanap sa World Travel Market (WTM) sa London.
Ayon kay Magsino, ang pagdalo nito sa nasabing okasyon ay bahagi ng kaniyang commitment para katawanin ang Pilipinas bilang miyembro ng Kamara de Representntes sa isang makabuluhang pamamaraan katulad nito.
Kasama rin sa mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa WTM ay sina Philippine Ambassasor Teodoro Locsin, Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco at iba pang Filipino officials.
Paliwanag ng kongresista na layunin din ng WTM na makahikayat din ang mga bansa gaya ng Pilipinas ng mga turista na maglalagak ng kanilang puhunan o negosyo sa bansa upang lalong mapalakas ang kalakalan at turismo.
Ipinahayag din ni Magsino na ang kapakanan pa rin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kaniyang prayoridad kasama na dito ang pagtitiyak na maririnig ang kaniyang mga boses hindi lamang sa Kamara de Representantes kundi maging sa international community.
“Championing the welfare of OFWs remain my top priority and I am committed to ensuring that their voices are heard both in Congress and on the global stage,” sabi ni Magsino.