Calendar
Agaw baril suspek huli, kasabwat pinaghahanap
NAHULI ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police station 12 ang isa sa suspek sa pambubugbog at pang-aagaw ng baril sa security guard sa Brgy. 20, Tondo, Manila noong Nobyembre 6.
Naaresto ang suspek na si alyas John Jonard, 25, at pinaghahanap pa ang mga kasabwat na sina alyas Shane Burlas at ialyas Taniel Bolton.
Noong Nobyembre 6 nangyari ang insidente habang patungo ang sekyung si Saldy Baisa, 53, malapit sa tindahan upang mag meryenda.
Pinalibutan ng mga suspek ang sekyu, sinakal at inagawan ng kanyang service firearm hanggang sa magkaroon ng scuffle.
Pinaputukan pa ng nahuling suspek ng baril ang sekyu pero hindi pumutok kaya pinagbubugbog na lang ang biktima.
Kinabukasan, nagsagawa ng follow up ang mga awtoridad kasama ang mga operatiba ng Philippine Ports Authority (PPA) na nag-ugat sa pagkakatimbog ng isa sa mga suspek.
Nabatid sa report ng PPA na itinurn over ng suspek ang ninakaw na 9MM pistol ng sekyu.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at attempted murder ang nahuling suspek.