Calendar
Dumalo si Manila Police District chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay sa arrival honors ng bagong hepe ng NCRPO na si P/BGen. Anthony Aberin sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Arrival honors ng bagong NCRPO chief ginanap sa Camp Bagong Diwa
NAGKAROON ng arrival honors bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si P/BGen. Anthony Aberin sa Hinirang Multi-Purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig noong Lunes.
Sinabi ni Aberin sa limang district directors ang kanyang mga programa na Able, Active at Allied o ‘Triple A’.
Isa sa mga tinutukang proyekto ni Aberin ang pagbibigay ng suporta sa kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng training at iba pang pamamaraan upang matiyak na ‘able’ o may kakayahan ang mga ito.
Pananatilihin din ang aktibo o ‘active’ ang kapulisan sa lahat ng kriminalidad at ilegal na aktibidad.
Binigyang-diin ng bagong regional director ng Metro Manila na dapat manatiling kakampi o ‘ally’ ng publiko ang kapulisan.
Dating hepe ng Police Regional Office (PRO)-7 mula noong Marso 2023 si Aberin.

