Rep Rolando

Dating Pangulong Duterte, wala ng kapit sa militar -Valeriano

Mar Rodriguez Nov 28, 2024
16 Views

NANINIWALA si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na wala ng “clout” o kapit si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya imposibleng makahikayat o maka-impluwensiya ito ng mga sundalo para bawiin ang kanilang suporta sa administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Ito ang reaction ni Valeriano patungkol sa naging panawagan ng dating Pangulo sa hanay ng militar upang talikuran ang kanilang pagsuporta kay Pangulong Marcos, Jr.

Dahil dito, ipinahayag ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na malabong sundin ng mga miyembro ng AFP ang panawagan ni Duterte sapagkat nananatiling propesyunal ang organisasyon ng militar dahil sila ay tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin na nakahandang depensahan ang Konstitusyon.

Kaya para sa kongresista, minamaliit lamang nito ang panawagan ng dating Pangulo sapagkat wala ng naniniwala sa mga sinasabi nito at maaaring wala narin itong kredebilidad bunsod naman ng pabago-bagong mga pahayag nito kung saan palalabasin nitong isang “joke” lamang ang kaniyang mga ipinahayag kapag ito’y nasusukol at naiipit na.

Bukod dito, pagdidiin pa ni Valeriano na kumupas narin ang dating matingkad at malakas na popularidad ni Duterte kaya puwede rin itong maging dahilan upang tumalima sa kaniyang panawagan ang mga kasundaluhan.

“He has no more clout and his popularity eroded. He ia known for unstable stand. He only seeks attention and himself knows he has become a feeble man he and other Dutertes’ choice is only face the music,” wika nito.

Minaliit naman ng ilang kongresista ang naturang panawagan ni Duterte sa AFP. Kung saan, ginagamit lamang nito ang nasabing isyu upang sadyanh ilihis ang patong-patong na kontrobersiyang nakakulapol sa pamilya Duterte.

To God be the Glory