Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Korean Photo Bureau of Immigration

6 Korean nationals tiklo sa BI dahil sa investment scam, larceny

Jun I Legaspi Dec 1, 2024
22 Views

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) agents ang limang South Korean nationals na wanted sa Korea dahil sa pagkakasangkot sa cryptocurrency investment scam.

Naaresto ang mga dayuhan noong Nobyembre 16 sa raid sa kanilang tirahan sa Alabang, Muntinlupa na isinagawa ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU).

Nakilala ang 5 dayuhan na sina Ha Doogyun, 25; Kim Jung Ho, 25; Lee Sunyeob, 25; Kim Taemin, 26; at Yun Songwook, 22.

Nagpalabas ng mission order ang BI para sa pag-aresto sa mga Koreano base sa kahilingan ng pamahalaan ng South Korea para mahanap at maipa-deport ang mga pugante.

Subject din ang 5 ng red notices na inisyu ng Interpol matapos makasuhan ng pandaraya sa Seoul district court.

Ayon sa BI Interpol unit, naglabas ng warrant of arrest para sa mga Koreano ang korte noong Setyembre 14 ng kasalukuyang taon.

Nagpapatakbo ang mga Koreano ng sindikato ng panloloko sa pamamagitan ng pekeng cryptocurrency website na nakapanghikayat ng daan-daang biktima na mag-invest ng mahigit sa apat na bilyong won ($2.9 milyon) para sa mga diumano’y investment project mula 2023.

Inanunsiyo rin ng BI ang pagkakaaresto sa isa pang Korean fugitive na wanted dahil sa kasong larceny.

Si Park Sukil, 57, naaresto noong Nobyembre 15 ng mga operatiba ng FSU sa Newport Mall sa Newport Blvd., Pasay.

Ipinag-utos na i-deport ng BI noong Pebrero 2015 dahil sa pagiging isang undesirable alien ng suspek, ayon sa report.

Wanted si Park sa pagnanakaw ng mga materyales para sa konstruksyon na nagkakahalaga ng mahigit 2.2 milyong won ($1,576).

Nakadetine ang 6 na Korean nationals sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.