Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Fuel

Presyo ng gas tataas, diesel may tapyas

Edd Reyes Dec 2, 2024
18 Views

SISIPA ng 90 sentimos kada litro ang gasolina at kapiranggot na 20 sentimos ang tapyas sa presyo ng diesel simula alas-6:00 ng umaga ng Dec. 3.

Kumpirmado ang panibagong price adjustment base sa abiso ng PTT Philippines, Petron Corp., Pilipinas Shell, Chevron Philippines at Total Philippines.

Magtatapyas din ng presyo ng kerosene ang Petron, Shell, Seaoil Philippines, Flying V at Chevron ng 40 sentimos kada litro.

Alas-6:00 din ng umaga ipatutupad ng Petro Gazz, Unioil Philippines ang dagdag-bawas sa presyo ng gasolina at diesel habang alas-4:00 ng hapon ang simula ng price adjustment ng Clean Fuel.

Ayon kay PTT Philippines Public Relations and Media Relations Officer Jay Julian, iniulat ng Department of Energy (DOE) ang pagbabawas sa produksiyon ng langis ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) +, na dahan-dahang sisimulan sa Abril 2025, at pagbagsak ng imbentaryo ng krudo ng Estados Unidos ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.