Vigor Mendoza-II

Lisensiya ng truck driver na bumangga sa mga sasakyan sa skyway sinuspindi

Jun I Legaspi Dec 7, 2024
41 Views

SINUSPINDE na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver ng trak na bumangga sa ilang sasakyan sa skyway at-grade sa Parañaque City kung saan isa ang ang namatay at lima ang nasugatan.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Sinabi ni Vigor Mendoza II na isinailalim na sa alarma ang driver’s license ng driver ng truck at ang Suzuki UV van carrier (JAO-6376) para maiwasan ang transaksyon habang iniimbestigahan.

Sinabi ni Mendoza na nag-isyu na sila ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver at sa may-ari ng trak.

Batay sa report, parang nawalan ng preno ang trak habang binabaybay ang skyway sa Brgy. Sun Valley, Parañaque City alas-7:45 ng gabi noong Biyernes kaya bumangga sa ilang mga sasakyan sa lugar.

Sa SCO na nilagdaan ni LTO-Law Enforcement Service (LES) Director Eduardo de Guzman, inatasan ang rehistradong may-ari ng trak na dumalo sa LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office sa Quezon City at magsumite ng nakasulat at notarized na paliwanag kung bakit hindi siya dapat papanagutin sa madugong insidente.

Inatasan ding magsumite ang driver ng truck ng nakasulat at notarized na paliwanag kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng reckless driving at kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanyang lisensya dahil sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Inatasan din siyang agad na isuko ang kanyang lisensya sa LTO.