Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
2 suspek sa panghahalay tiklo
Edd Reyes
Dec 8, 2024
537
Views
HALOS magkasabay na natiklo ng mga pulis ang dalawang akusado sa panggagahasa noong Linggo sa Las Pinas City.
Natiklo alas-7:20 ng umaga ng mga tauhan ng Las Piñas City police si alyas Edison, 27, dahil sa kasong rape.
Bago mahuli, una ng nadakma ang kasabwat ni alyas Edison na si alyas Dexter, 24, dakong alas-7:00 ng umaga.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Bernard Yang, magkasabwat sina alyas Dexter at alyas Edison sa karumaldumal na panggagahasa.
Mananatili pansamantala sa custodial facility ng Las Piñas Police Station ang dalawa habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglipat sa kanila sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

