Calendar
Regine sa basher: Did I ask you for money?
Hindi nakapagpigil si Regine Velasquez at sinagot ang isang netizen na nagsalita ng hindi maganda sa kanya.
Sa X account ng Asia’s Songbird nagkomento ang basher ng ganito: “Lab nea lung fans nea pag concert.”
Mahaba ang naging sagot ni Regine at halatang nasaktan siya sa akusasyon ng basher.
“When did I ever ask you for something I need? Did I ask you for money?” ang simulang bwelta ni Regine.
“I invite you to watch my concerts, sure, but I’m not forcing you to. I ask if you can listen to my songs which are practically free hindi kita pinipilit kung ayaw mo walang problema sa akin,” patuloy niya.
“Hindi rin naman kita pinilit na hangaan ako. YOU decided to do that I didn’t ask you to. But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sa akin, ano yun?” litanya pa ng Songbird.
“You have so much expectations of me. You don’t even know me personally. You just think you know me but you don’t. God bless you,” pagtatapos na mensahe ni Regine sa basher.
Kaagad namang nagpakita ng suporta kay Regine ang kanyang fans at sinabing tama lang na sinagot nito ang basher.