Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Sugal Source: PNP file photo

2 nagsusugal inalat, huli sa dalang baril

114 Views

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang nagsusugal na nakumpiskahan pa ng baril sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Ayon kay QCPD director, P/Col. Melecio M Buslig, Jr., naaresto ng Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni P/Lt. Col. Ramon Czar Solas ang mga suspek na sina Pee Jay Palima, 25, residente ng Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City at Roderick Jorda, 39, ng ng Brgy. 148, Pasay City.

Batay sa ulat, alas-8:40 ng gabi noong Huwebes (December 5), nahuli ang dalawang suspek sa anti-criminality operation habang nagsusugal ng “cara y cruz” sa Oxford St., Brgy. E. Rodriguez Sr., Cubao.

Bukod sa mga gambling paraphernalia, nakapkapan din ng pen gun at isang piraso ng .38 caliber ammunition si Palima.

Kakasuhan ang mga naarestong suspek sa paglabag sa P.D. 1602 o Ilegal gambling.

Sasampahan din ng karagdagang kaso ng paglabag sa R.A. 10591 o mas kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Palima.

“Ang kampanya laban sa lahat na uri ng kriminalidad ay hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad. Ang QCPD ay patuloy na pinapaigting ang kampanya ito at mananatiling alerto upang masiguro ang kapayapaan ng lungsod at kaligtasan ng bawat mamamayan,” pahayag ng QCPD chief.