Gas

Gas, diesel bubulusok ng 80 cents/liter; kerosene 10 cents/liter

Edd Reyes Dec 16, 2024
14 Views

BUBULUSOK ng 80 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel habang 10 sentimos naman sa kerosene simula alas-6:00 ng umaga ng Martes.

Ganito kalaki ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ng Petron, Shell, Chevron, Seaoil at Flying V, ayon sa kanilang media advisory.

Siyempre hindi pahuhuli ang Petro Gazz, Unioil, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum habang alas-4:00 ng hapon ang simula ng pagbulusok ng presyo sa Clean Fuel.

Ang panibago na namang taas presyo sa produktong petrolyo, ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, bunsod ng paggalaw sa halaga nito sa pandaigdigang pamilihan.