BBM

P3. 55T buwis nakolekta ng pamahalaan

Chona Yu Dec 27, 2024
15 Views

UMABOT na sa P3.55 trilyong buwis ang nakolekta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong taon.

Ayon sa Department of Finance,mas mataas ito ng 15 porsyento mula sa kaparehong panahon noong 2023.

Sa ilalim nito, nakalikom ang Bureau of Internal Revenue ng P2.67 trillion na mas mataas ng 13.9 porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Nasa P850 bilyon naman ang koleksyon ng Bureau of Customs na mas mataas ng 4.7 porsyento.

Kaugnay dito, inaasahang aabot sa P3.82 trilyon ang kabuuang koleksyon ng buwis ngayong taon, mas mataas ng 11.4 porsyento noong 2023.

Ito ay magiging katumbas ng 14.4 porsyento ng gross domestic product.